Paglisan Acoustic – Flict G Feat. Yumi

Lyrics of Paglisan Acoustic – Flict G Feat. Yumi

Chorus:
bakit pa kailangan na masaktan
ang puso kong ito sa iyong paglisan
hapdi ang syang naramdaman
hindi na ba maibabalik ang lahat ng ating nakaraan
dahil ba sa huli na ang lahat sayo’y paalam

verse I:
sa pagkawala ng relasyon na aking iningatan
na ngayon ko lang naramdaman at aking naranasan
ang umibig ng lubos at ibigay ko ang lahat
tinatanong saking sarili kung hindi pa ba sapat?
ang lahat ng ginawa ko para lamang sa iyo
bakit kailangan mangyari pa ang mga ganito
pilit na inaalala mga bagay na nangyari
saking puso at sa isip kalungkutan ang naghari
at naghiwalay tayo na di man lang nakapag usap
hanggang sa huling sandali wala ng pangungusap
na lumalabas sa labi mo na gusto kung malaman
kung bakit nagkaganto at bakit mo ko iniwanan
dahil ba sa sabi-sabi at mga bali-balita
di mo na ko tinanong at tuluyan kang naniwala
sinira mo ang tiwala, akoy tinalikuran
bakit kailangan kung masaktan sa iyong paglisan

Chorus:
bakit pa kailangan na masaktan
ang puso kong ito sa iyong paglisan
hapdi ang syang naramdaman
hindi na ba maibabalik ang lahat ng ating nakaraan
dahil ba sa huli na ang lahat sayo’y paalam

verse II:
naghiwalay tayo na kapwa’y may samaan ng loob
at di man lang ako nakaangat sa aking pag lubog
hanggang sa huling sandali di man lang nakapagpaalam
katagang nais sabihin hindi man lang nabitawan
na sana’y mag-iingat ka sa lahat ng sandali
di na ko muling hahabol , magbabakasakali
na maibalik ang dati at makapiling sa twina
ang isang katulad mo pagkat wala na ngang pag-asa
at hindi talaga tau , itinakda ng diyos
kaya ang pagsasama natin ay maagang nag tapos
bakit kailangan ko pang masaktan sa iyong paglisan
di ko lubos maisip bat gan’to ang kapalaran
bago magtapos ang awit ko sana’y malaman mo
na wala na akong ibang inibig kung di ang katulad mo
ngayong tapos na ang lahat pati ang awiting kung ito
salamat pagkat naging bahagi ka ng buhay ko

Chorus 2:
Bakit kailangan humantong sa hiwalayan ang lahat
ang nangyari sa relasyon natin hindi ko matangap
hindi ako nagkamali at nagkulang sayo sinta
ngunit anong isinukli, iniwan mong nag-iisa

walang pagsidlan ang saya nung makilala ko ikaw
ngunit lahat ay nagbago noong makilala ko ikaw
tanggap ko na kung di ka sa akin, ikaw ay sa kanya
mahal kita pero di tayo para sa isa’t isa
kung kaya ko lng pahupain ang nadaramang ito
ngunit di ko kayang itakwil na lang ang pag-ibig mo
kasi sobrang mahal kita, yan ang pakatandaan mo
at minahal kitang lubos ng higit pa sa buhay ko

walang pagsidlan ang saya nung makilala ko ikaw
ngunit lahat ay nagbago noong ikaw ay bumitaw
tanggap ko na kung di ka sa akin, ikaw ay sa kanya
mahal kita pero di tayo para sa isa’t isa
kung kaya ko lng pahupain ang nadaramang ito
ngunit di ko kayang itakwil na lang ang pag-ibig mo
sobrang mahal kita, yan ang pakatandaan mo
minahal kitang lubos ng higit pa sa buhay ko

Leave a Reply

Close Menu